Pages

let's go to the movies


malalaman mong nanonood ka ng pinoy film o drama kung...

- palaging nahuhuli ang kapulisan sa pagresponde sa trobol. pagdating nila napatay na ng bidang lalake lahat ng hoodlums.

- may twist na related sa ampon o nawawalang anak ang plot ng istorya. nagkakaalaman lang kapag malapit na matapos ang serye.

- may maingay at malanding baklang side-kick ang bidang babae.

- palaging may mayaman at aroganteng karibal ang bidang lalake sa bidang babae.

- mayroong mahaba at mainit na diskusyon tungkol sa pulitika, relihiyon, ekonomiya, GDP, GNP, laissez-faire, ang bida at kontrabida habang sila ay nagbabarilan.

- may mala-diyos na kapangyarihan ang bidang lalake upang gapiin ang limampu o higit pang bilang ng mga kaaway ng hindi man lamang nalalagay sa bingit ng kamatayan. kadalasan organisado pa ang mga kaaway dahil nakukuha pa nila ang pumila at maghintay ng pagkakataon para lamang masuntok o mabaril.

- sa isang ospital, kinakailangan ang serbisyo ng duktor na lumalabas mula sa operating room, palilibutan siya ng mga karakter ng pelikula/drama at tulad ng inaasahan ihahayag nya ang balitang nasa kritikal na kondisyon ang taong nasa loob ng operating room o di naman kaya siya ay nasa bingit ng kamatayan at panalangin nalang ang makapgliligtas sa kanya.

- walang matalinong alalay ang kontrabida. naglalaro sa 20 IQ points ang karunungan nila. madalas sila ay nababatukan ng among kontrabida.

- kung ang eksena ay sa isang beerhouse, palaging dumarating sa puntong nagsusuntukan ang bida at kontrabida sampu ng kanilang mga alagad. (hindi ba sila makapag-inom at makapambabae nalang ng mapayapa?)

- mayroong sayawan at kantahan na nagaganap kung ang genre ng pelikula ay comedy o romantic comedy. ikagugulat mo ang dagliang transformation ng mga "innocent bystanders" into "professional dancers and singers". nakakairita.

- sa isang inuman sa tindahan sa kanto, sisitahin o aalukin ng mga tambay ang bidang lalake. tatanggi ang bida at susunod na ang suntukan. ipagtataka mo ang pambihirang bilis ng mga sunog-baga kung iisipin mong nakainom na sila at lasing pa. naisip ko noon na marahil sila ay nagsanay sa shaolin temple ng drunken-style kung-fu.

- palaging merong eksenang iyakan sa ulan. wag mo na itanong ang dahilan dahil hindi ko rin alam.

- kung ikakasal ang bidang babae sa lalakeng hindi nya gusto asahan mong mahihinto ang kasal sa ilang hindi maipaliwanag na dahilan. 

- sa isang roadchase sasabog lamang ang sasakyan kapag nakalayo na ang bidang lalake ng eksaktong isandaang metro o higit pa mula sa sentro ng pagsabog. ipu-focus ito ng camera upang magmukhang death-defying ang eksena.

- sa katapusan ng isang romantic na pelikula pipiliin ng bidang lalake at bidang babae na maghalikan sa gitna ng maraming tao (kadalasan sa gitna ng squatter's area). matapos nito, magpapapalakpakan ang mga nanonood.

- sa kaso naman ng indie films, palaging mayroong prostitute na kasali sa pangunahing mga tauhan. --credits to WOTL

- ang huling barilan sa pagitan ng bida at kontrabida ay palaging nagaganap sa isang lumang warehouse.

- ang ama/maestro/kaibigan/alalay ng bida ay mababaril subalit bago siya mamatay makapagtatalumpati pa siya ng kasinghaba ng gettysburg address ni lincoln.

- sa isang pagsabog na katumbas ng isang munting nuclear weapon, asahan mong makakaligtas ang bida.

- sa agawan ng baril sa pagitan ng bida at kontrabida puputok ang baril at parehong magrereact sa isang nakakabwisit na reaksyon ang dalawang partido. matapos nito mapuputol ang episode ng serye at paghihintayin ka hanggang sa susunod na araw.

...hay, pinoy talaga.

ppp


ppp - poetry poverty p-not

trabaho.
pag-unlad.

kahapon sa plasa ako'y nagtinda
yosi. bulaklak. laruan. pamaypay.
nasa piitan si itay sumali kasi sa piket.
may sakit si inay, tb daw sabi sa senter.

nakita ko sa liwasan larawan mong maganda
dilaw. mala-ginto at kumikinang.
naalala ko isang taon na ang lumipas.
naroon ka. kung saan ako nagtitinda.
madaming tao.
magulo.
masaya.

sa gitna ng ingay naroon ka.
pulu-pulutong na artista ang iyong kasama.
kaya magulo. kaya masaya.
nagsalita ka. nangako.
sabi mo dadami ang trabaho.
sabi mo uunlad ang buhay.
madami kang pangako.
ang sarap pakinggan.

binigyan mo ako ng pag-asa..

dumami nga ang trabaho.
mamayang gabi ang ate neneng ko naman uupo sa liwasan at magaabang ng sasakyan.
naka-kolorete. maiksing damit. umaga na siya babalik. trabaho.

uunlad ang buhay.
tama. lilipat na kami ng bahay.
mawawala ng ang barung-barong namin. demolisyon sabi ng mmda.
lilipat na kami sa sementandong tirahan. sa ilalim ng tulay. sa kalsada.

patuloy akong aasa sa mga pangakong tutuparin mo pa.

salamat sa pagtupad mo sa pangako mo. may trabaho. may pag-unlad.
bukas isang bagong araw nanaman. magtitinda sa liwasan. at muli kong masisilayan ang larawan mo.
kumikinang hindi dahil sa sagisag mong dilaw.
kumikinang dahil sa buhok mong pumapanaw.


the pig that wants to be eaten


i haven't eaten any pork for a good 9 months now.
so i see it fitting to write something related to pigs.

see, i came across two books back in the philippines both introduced by a friend, alan. hey alan!

1.) the hitchhikers guide to the galaxy (misnomerly called a "trilogy" with 5 books) - douglas adams
2.) the pig that wants to be eaten: 100 experiments for the armchair philosopher - julian baggini

i finished the first (series of) book(s) and it gave me a nice laugh. and a good brain beating as well. the second one, is waaaay too cool but sadly i can't afford a 600-peso item from powerbooks back then so i have to borrow it from the above mentioned friend. this book is filled with thought experiments, discussing "what ifs" in our minds not to mention lots of questions throwing back more questions instead of answers. (sick!)

try this one thought experiment from that book. (which by the way is indirectly related to the first one as it is the source)

the pig that wants to be eaten

after forty years of vegetarianism, max berger was about to sit down to a feast of pork sausages, crispy bacon and pan-fried chicken breast. max had always missed the taste of meat, but his principles were stronger than his culinary cravings. but now he was able to eat meat with a clear conscience.


the sausages and bacon had come from a pig called priscilla he had met the week before. the pig had been genetically engineered to be able to speak and, more importantly, to want to be eaten. ending up on a human's table was priscilla's lifetime ambition and she woke up on the day of her slaughter with a keen sense of anticipation. she had told all this to max just before rushing off to the comfortable and humane slaughterhouse. having heard her story, max thought it would be disrespectful not to eat her.


the chicken had come from a genetically modified bird which had been 'decerebrated: In other words, it lived the life of a vegetable, with no awareness of self, environment, pain or pleasure. killing it was therefore no more barbarous than uprooting a carrot.


yet as the plate was placed before him, max felt a twinge of nausea. was this just a reflex reaction, caused by a lifetime of vegetarianism? or was it the physical sign of a justifiable psychic distress? collecting himself, he picked up his knife and fork...

to make things short, a pig was genetically-modified to beg to be eaten. para bang yun na ang sukdulan ng tagumpay nya.. ang katayin at maihain sa hapag-kainan.
there are reasons as to why raising (and eventually killing) animals for food is considered wrong, one would be its conditions while it is being raised. pinahihirapan ba sya, nasa mabaho, masikip, at mainit na lugar ba yung hayop na pinag-uusapan? the issue is, is it in misery while being kept in captivity? yung isa naman, is the act of killing the animal (which could, as a potential, have a decent future ahead like being a nobel-laureate-for-physics-type of future) so ayun nga, madaling lunasan yung unang isyu just make sure the animals are well-cared for (take for instance the tasty wagyu beef from japan that are not allowed to graze around or move for it to have tender, tasty, and healthy meat). now how do we address the second and ultimate rationale for vegetarianism? that is objection to the act of killing for food? now that's a tough one. pero madali lang yan with the advancement of technology. imagine, what if we could create animals that are virtually un-interested with their own survival, with a conscious consitution similar to that of a stalk of pechay. is it considered wrong to deny them the existence they don't even care to think of? or oddly enough, what if sila na mismo ang magmakaawang kainin mo sila? in an "utang-na-loob" way of begging.

look here, people may talk about being humane and mindful of animal dignity or respect to natural order of things pero wala ba tayong masasagasaang animal dignity kung gagawa tayo ng "mindless, brainless, decebrated" versions ng mga hayop na pwede nating kainin? hindi ka ba makukunsensya kung ganon ang sitwasyon? just asking.

anyways, who wants to be a vegetarian when you can always be humanitarian? three cheers for doctor hannibal lecter! :)